DAGSA ang reklamo ng mga pasahero ng Cebu Pacific galing Davao pagdating sa General Santos Airport dahil sa mano-manong pagrekisa ng mga bagahe.
Labis ang pagkadismaya ng mga pasahero nang madatnan nilang mahabang pila ng mga pasahero papasok ng departure area, dahil sira ang dalawang x-ray machines.
Dahil dito mas lalong uminit ang sitwasyon ng mga pasahero dahil naging mabagal ang proseso sa pagrekisa sa mga bagahe.
Alas-11:00 kagabi huling umalis ang isang eroplano ng Cebu Pacific lulan ang huling batch ng mga pasahero ng nasabing airline.
Samantala, kumita naman ang bus driver at mga van operators maging ang mga taxi driver sa pangyayari dahil sa napilitang pagsakay ng mga pasahero mula sa Davao.
Anila, umangat ng 40 porsyento ang kanilang kinita sa pagdala sa mga pasahero patungo ng GenSan.