NAKATAKDANG magsagawa ng pinal na pagtalakay sa kaso kaugnay sa resulta ng imbestigasyon sa Balintang Channel shooting incident ang National Bureau of Investigation (NBI).
Dito ibabase ng NBI ang ilalabas na report at rekomendasyon sa nakalap na impormasyon at ebidensya na nakuha nila sa isinagawang parallel investigation sa Taiwan nitong nakaraang linggo.
Ito ay matapos na magkasundo ang Taiwan at Pilipinas na talakayin ang resulta ng magkahiwalay na imbestigasyon sa pamamaril at pagkamatay ng Taiwanese fisherman na si Huang Shin Cheng noong Mayo 9 sa Balintang Channel.
Matapos matalakay ang resulta ng imbestigasyon ay saka lamang isasapubliko ang naturang report.