PATONG-PATONG na kaso ang haharapin ng isang binata matapos pasukin, daliriin at dilaan bago pagnakawan ang isang dalaga sa Caloocan City Miyerkules ng madaling-araw, Hunyo 5.
Nahaharap sa kasong rape, robbery, illegal possession of deadly weapon at paglabag sa omnibus election code si Reggie Adorador, 18 ng Block 6, Bagumbong ng lungsod.
Sa ulat, alas-3 ng madaling araw, nagising ang biktimang edad 20 sa pagtulog sa loob ng kanilang bahay sa Coopville, Bagumbong dahil tinapalan ng suspek ang bibig ng dalaga habang nakatutok ang patalim.
Dahil sa patalim ay hindi na nakapalag ang dalaga nang ipasok ng suspek ang daliri at dila sa kanyang ari.
Nang makuntento ay tumakas ang suspek dala ang wallet na may laman na P150 at cellphone ng biktima.
Nagsumbong sa mga pulis ang biktima dahilan para madakip ang suspek.
The post Dalaga ninakawan na, dinalirot pa appeared first on Remate.