IPINAGHARAP ng kasong kriminal sa Department of Justice ang nagsisilbing towing company ng Metro Manila Development Authority at San Miguel Foods Inc.
Kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DoJ) dahil sa hindi umano pagbayad ng tamang buwis at paghain ng income tax return.
Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Joselito J. Nicolas, may ari ng Goodlucky Well Trading & Towing Services, na isang towing company na nakabase sa Quezon City na siyang nagbibigay ng serbisyo sa MMDA at San Miguel Foods Inc.
Nabuking umano ng BIR Information Systems Development and Operations Service na ang Nicolas o ang Goodlucky Well Trading & Towing Services ay hindi nagbabayad ng buwis mula 2009 hanggang 2012.
Batay sa rekord ang MMDA at San Miguel Foods Inc., ay nagkapagbayad sa kumpanya ng kabuuang P48.03 million mula 2009 hanggang 2012.
Batay sa komputasyon ng ahensya umaabot sa P41.73 million ang tax liability nito.
Samantala kinasuhan din ng tax evasion sa DoJ si Catherine B. Zafra na may-ari ng Wellhand Trade Center sa Dasmarinas, Cavite.
Sa report ng BIR bigong makapag-file ng kaniyang income tax return mula 1999 hanggang 2012 ang may-ari.
Batay sa rekord noong 2005, si Zafra ay nagbenta ng P7.32 million na mga produkto sa Ushio Philippines Inc., na isang Japanese controlled company na manufacturer ng ilaw sa Cavite habang nasa P8.98 million na mga surcharge at interest ang hinahabol ng ahensya.
The post Towing company ng MMDA kinasuhan sa DOJ appeared first on Remate.