TINATAYANG nasa P21 milyong halaga ng ukay-ukay o used clothes ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC).
Ayon kay Commissioner Ruffy Biazon, ang raid ay isinagawa sa magkahiwalay na bodega sa Binan City, Laguna; San Pedro, Laguna at Paranaque City kungsaan nadiskubre ang 2,100 kahon ng used clothes o ukay-ukay, sapatos at bags.
Isinagawa umano ang pagsalakay kasunod ng halos dalawang linggong survellaince operations.
Layon umano ng operasyon na maprotektahan ang local garments industry ng Pilipinas at mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababayan sa mga gamit nang damit.
The post P21-M ukay-ukay nasabat ng BoC appeared first on Remate.