TODAS ang isang construction worker makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tabigo St., Barangay Commonwealth, Quezon City.
Pinagbabaril ng apat na beses ang biktimang si Benito Villanueva, 40, ng hindi nakilalang mga suspek gamit ang kalibre .45 baril.
Ayon sa pulisya, bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na naka-motorsiklo at nakasuot ng helmet saka binaril ang biktima habang gumagawa ng kanilang bahay.
Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.
The post Construction worker binoga ng tandem, todas appeared first on Remate.