Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mga suspek sa pagpatay sa piskal, kinasuhan na

$
0
0

SINAMPAHAN ng mga kasong murder at illegal possession of fire arms ang mga akusado sa pagpatay kay Assistant Provincial Prosecutor Alex Sandoval sa Batangas City.

Inihain ang reklamo sa harap nina Department of Justice (DOJ) Prosecutor Jayvee Laurence Bandong at Omar Cris Casimiro laban kina dating Sta. Teresita Mayor Anna Marie Mendoza, asawang si Jun Mendoza at mga gunman na sina Jayson Espejo Guerrero at Richard Briones.

Pero ang dating mayor lang at si Guerrero ang naiharap sa mga DOJ Prosecutor habang ang dalawa ay pinaghahanap pa.

Biyernes nang naaresto si Mendoza sa kasong pag-iingat ng hindi lisensyadong baril matapos siyang ituro ng gunman na si Guerrero na mastermind umano sa krimen.

Inamin ni Guerrero sa kanyang extra judicial confession na pinangakuan siya ta si Briones ng mag-asawang Mendoza ng P50,000 para patayin si Fiscal Sandoval.

Samantala, bahagyang naantala ang inquest proceeding laban sa dating mayor matapos nitong tanggihan ang ibinigay na PAO lawyer ng prosekusyon. Sa halip, hiniling nito na private lawyer ang kumatawan sa kanya sa mga kasong inaakusa sa kanya at sa kanyang asawa.

Gayunman, matapos ang ibinigay na palugit sa paghihintay ng private lawyer ni Mendoza, walang dumating sa inquest proceeding kaya pinayagan ng mga prosecutor na i-represent ni Atty. Ferdinand Aguirre, opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang panig ni Mendoza.

Una nang tinambangan ng riding-in-tandem si Sandoval sa Barangay Muzon, boundary ng San Luis at Sta. Teresita sa Batangas.

The post Mga suspek sa pagpatay sa piskal, kinasuhan na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>