INAKALANG dayuhan ang isang pinoy na aktor na suspek sa pagnanakaw at di pagbabayad ng bill sa ilang hotel sa Metro Manila.
Nakumpirma sa imbestigasyon ng Pasay City Police na ang lalaking nagnakaw sa isang hotel sa naturang lungsod at ang aktor na si Marco Morales na lumalabas sa mga indie films ay iisang tao lang.
Natukoy ang pagkakakilanlan ni Morales batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera.
Ayon kay Senior Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police, muling umatake kamakalawa ng gabi ang suspek sa Mandarin Hotel sa Makati City pero nabigo dahil walang naipakitang deposit kaya hindi nakapasok sa loob ng hotel.
Una nang napabalita ang pagtakas ng suspek noong Hunyo 11 sa Victoria Court sa Cuneta Avenue kung saan tumangay ito ng 32-inch TV at tinakasan ang bill na halagang P10,210. Tinangka pa nitong sagasaan ang isang staff ng hotel sa kanyang pagtakas lulan ng kotseng Volvo na may plakang UPZ-452.
Batay na rin sa nakuhang driver’s license ng mga awtoridad sa hotel na inupahan ng suspek Marco Gonzaga Saca ng Malibu Hills, California ang pangalan nito kayat inakala na isang turista.
Sa malalimang imbestigasyon,lumabas na si Saca at Morales ay iisang tao lang at may iba pang kasong katulad na naganap naman sa Manila Peninsula.
Pinaghahanap na ang aktor ng mga elemento ng pulisya bago pa ito makapambiktima pa.
The post Indie films actor, tirador ng mga hotel, tinutugis appeared first on Remate.