Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagong AFP Chief Bautista, patitindihin ang human rights violations

$
0
0

TINULIGSA ng Anakpawis Partylist ang pagkakatalaga kay Lt. Gen. Emmanuel Bautista bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Papalitan ni Bautista si outgoing AFP Chief Gen. Jessie Dellosa.

Ayon kay Anakpawis Representative Rafael V. Mariano, tiyak na tataas pa ang bilang ng mga human rights violations (HRVs) o paglabag sa mga karapatang pantao sa bansa dahil sa pagkatalaga kay Bautista na siyang nagbalangkas ng National Internal Security Plan 2011 – 2016 o ‘Oplan Bayanihan.’

“Ang Oplan Bayanihan ang blueprint ng gobyernong Aquino sa malawakang militarisasyon na bumibiktima sa libu-libong magsasaka at manggagawang bukid,” ayon kay Mariano.

“Sa administrasyon ni Pangulong Aquino, mayorya sa higit isandaang biktima ng extra judicial killings ay mga magsasaka. Napakarami rin ang biktima ng enforced disappearances, torture, harassment, at iba pang pang-aabuso ng mga militar sa mga sibilyan. Nakatambak sa mga probinsiya ang libu-libong pwersa ng AFP na naghahasik ng lagim at takot sa mamamayan.

“Sisiguruhin lamang ni Lt. Gen. Bautista na magtutuluy-tuloy ang abusadong pagtrato ng militar sa mamamayan. Kahit may tabing ng ‘People-centric approach sa pamamagitan ng Community Organizing for Peace and Development (COPD) at dole-outs sa pamamagitan ng Conditional Cash Transfer (CCT) scheme, lubhang pinatitindi ng Oplan Bayanihan ang mga human rights violations sa bansa,” ani Mariano.

“Pinapalabas na programa sa kontra-insurhensya, ngunit binibigyang proteksyon ng Oplan Bayanihan ang malalaking kumpanya ng pagmimina, mga agricorporations at mga dayuhang negosyo na nangangamkam ng lupa at nagdadambong ng likas na yaman ng bansa,” ayon kay Mariano.  “Dinadahas at inaatake nito ang mga magsasaka na nagtatanggol sa kanilang kabuhayan at karapatan.”

Gaya ng mga naunang Oplan ng AFP, hindi magtatagumpay ang Oplan Bayanihan sa ‘winning the hearts and mind of the people.’ Nailantad na ito bilang isang anti- mamamayang programa ni Pangulong Aquino.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>