Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Coco lumber trader, arestado sa panunuhol

$
0
0

LUCENA CITY – Arestado ng mga pulisya na kabilang sa SWAT team ng lungsod na ito si Jobel A. Abas na taga-Tayabas City matapos tangkaing suhulan ang mga pulis na kumumpiska sa hindi dokumentadong coco lumber na pag-aari di-umano ng suspek.

Ayon sa hepe ng PNP Lucena, PCI Job De Mesa, dakong ika-2:00 ng hapon habang nagpapatrolya ang mga pulis sa pamumuno ni PO3 Alex Berbano ng kanilang mamataan ang isang pampasaherong jeepney na may plakang DCE-487 sa may Barangay, Ibabang Iyam, Lucena City lulan ang tatlumpo’t limang piraso ng coco lumber.

Aniya, hinanapan ng mga pulis si Abas ng kaukulang dokumento ng nasabing coco lumber subalit wala itong naipakita kung kaya kinumpiska ang mga ito. Tinangka namang suhulan ni Abas ang mga pulis ng halagang P500o kung kaya inaresto siya ng mga ito.

Ang suspek ay nakapiit ngayon sa Lucena PNP jail at nahaharap sa mga kasong corruption of public official at paglabag sa Coconut Preservation Act (RA 8048) samantalang ang mga nakumpiskang coco lumber ay dinala agad sa Philippine Coconut Authority (PCA).



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129