UMAASA ang Project Noah na aaprubahan ng gobyerno ang hinihiling nilang pondo para masimulan ang produksyon ng survival kit.
Bumuo ang Project Noah ng Department of Science and Technology ng isang survival kit na mapakikinabangan ng publiko sa panahon ng kalamidad.
Ang survival kit ay naglalaman ng medical kit na para sa first aid, kapote at thermal blanket na proteksyon sa lamig.
Mayroon din itong energy bar at tubig na limang taon ang shelf life at kasama rin sa kit ang flashlight na solar powered at may built-in radio para makapag-monitor ng balita.
Kalakip din ito ng compass, cutter, martilyo. May USB port din kaya pwedeng mag-charge ng cellphone pero kailangan gamitan ng pwersa ng kamay para mag-charge.
Maaari namang gawing floating device ang bag na kinalalagyan ng mga gamit.
Dahil dito, maasa ang Project Noah na aaprubahan ng gobyerno ang hihilingin nilang pondo para masimulan ang produksyon ng survival kit.
Nakatakda ring ilabas ng Project Noah ang kanilang internet tablet na maglalaman ng weather forecast, lakas at gaano kalaki ng tubig na ibubuhos at flood maps.
Unang ipapamahagi ang tablet sa may isang libong barangay sa Metro Manila.
The post Pondo sa produksyon ng survival kit, inaantay pa appeared first on Remate.