BAGSAK sa rehas na bakal ang mag-ama matapos arestuhin ng mga awtoridad nang halinhinang pagsamantalahan ang senglot na misis kaninang madaling araw June 16 sa Bagong Silang Brgy. San Jose, Navotas City.
Nahaharap sa kasong rape ang mga suspek na sina Wilfredo Sison Cabigao Sr., 46, at anak nitong si Welfredo Sanchez Cabigao Jr., 19, ng nasabing barangay.
Pormal nagharap ng reklamo sa Women and Children Protective Desk (WCPD) ng Navotas pulis, ang biktimang si Marimar, 28, di tunay na pangalan ng Old fishport Northbay Boulevard North ng lungsod.
Ayon sa ulat, dakong alas 5:00 kaninang madaling araw ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga suspek sa nasabing barangay.
Nauna rito, inimbitahan ang biktima ng kaibigan nitong hindi pa nakikilalang bakla para mag-inuman sa Varoon KTV bar pero hindi nito alam naroon na rin tila nag-aantay ang suspek na nakakabatang Cabigao.
Hanggang sa sila ay magkainuman kasama si Cabigao. Nang malasing ang biktima kinausap ang bading na ihatid sa bahay. Sa halip na iuwi, dinala ng bading ang biktima sa bahay ng suspek.
Dahil sa kalasingan ng biktima hindi nito batid kung paano napadpad sa bahay ng batang suspek.
Nang mahimasmasan ang biktima nagulat na lamang ng makitang wala na siyang saplot sa katawan at ng idilat ang mga mata nakilala niya ang matandang Cabigao ang naghihimas ng mga maseselang bahagi ng katawan ng biktima.
Agad nagsuot ng damit ang biktima at mabilis na tumakbo palabas ng bahay ng suspek at nagsisigaw humingi ng tulong at nakatawag pansin sa mga nagrorondang barangay tanod at inaresto ang mga suspek at dinala sa presinto.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam kung kasabwat ng mga suspek ang nasabing bading.
The post Manyakis na mag-ama, arestado appeared first on Remate.