Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘Pumatay’ sa ABS-CBN talent, itinumba

$
0
0

MISMONG ang kanyang kapitbahay sa Quezon City  ang pumatay nitong Sabado ng umaga (Hunyo 16) sa isang lalaking sangkot sa pagpatay sa model at television talent na si Julie Ann Rodelas noong nakaraang taon.

Ang biktimang si Gelan Pasawilan, 28, ng Cotabato St., sa Salaam Mosque Compound, Barangay Culiat ay namatay sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa dibdib.

Hinahanting na ng Quezon City Police District (QCPD) para panagutin sa krimen ang suspek na si Nasher Alamansa, kapitbahay ng biktima.

Naganap ang insidente dakong 5:30 ng madaling-araw sa mismong kusina ng biktima.

Bago ito, kasama ng biktima ang kanyang pamilya na nag-aalmusal nang biglang pumasok ang suspek at agad binaril si Pasawilan bago tumakas.

Naaresto si Pasawilan noong Nobyembre nang salakayin ng QCPD ang Salaam Compound at inaresto ang responsable sa pagpatay at panggagahasa kay Rodelas.

Kinasuhan ito ng illegal gun possession pero hindi sa pagpatay kay Rodelas. Nagpiyansa ito noong Enero.

Hindi naman pinayagan ng misis ni Pasawilan na si Samirah na papasukin ang police investigators sa loob ng kanyang bahay at sinabi rin na ayaw nitong paimbestigahan ang pagkamatay ng kanyang mister.

The post ‘Pumatay’ sa ABS-CBN talent, itinumba appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>