NALUNOD sa creek ang 10-anyos na batang lalaki sa Quezon City nitong Linggo ng gabi (Hunyo 15).
Ang biktimang si Jansen Montajos ay natangay ng malakas na daloy ng tubig habang ngalalaro sa isang creek sa Moreno Street sa Villafuerte Subdivision dakong 7 p.m.
Tinangkang sagipin ang biktima sa pamamagitan ng paggamit ng mahabang PVC pipe pero hindi umubra sanhi ng malakas ng pagbuhos ng ulan.
Natagpuan ang bangkay ng biktima ilang oras ang nakalipas sa ilalm ng kalapit na tulay.
Samantala, nasagip naman ng mga rumespondeng emergency landing ang tatlong kalaro ni Montajos.
The post 10-anyos nalunod sa Quezon City creek appeared first on Remate.