(UPDATE) TATAGAL pa ng hanggang Biyernes ang bagyong Emong sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 280 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang hanging 55 kilometro kada oras.
Kumikilos ito ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras.
Bukas ng tanghali, inaasahan itong nasa 230 kilometro sa hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
May dalang ulan na aabot hanggang 5-15 milimetro bawat oras ang bagyong Emong at itinuturing ito ng weather bureau na malakas kaysa sa karaniwan.
Gayunman, hindi pa rin ito tatama sa alinmang bahagi ng lupa.
The post ‘Emong’ hanggang Biyernes pa sa Pinas – PAGASA appeared first on Remate.