LUCENA CITY – Ang driver-security ni Quezon Rep. Mark Enverga (1st District, Liberal Party) ay kasalukuyang nasa locked-up jail dahil sa pagbaril sa isang construction worker noong Biyernes ng gabi sa Zaballero Subdivision, Barangay Gulang-Gulang, lungsod na ito.
Sinabi ni City police chief investigator, Senior Insp. Marcelino Uy na kusang sumuko si Cesar Estabilo ng Tayabas, Quezon sa kanilang police station matapos malaman na siya ay pinaghahanap ng kapulisan.
Matapos ipagbigay-alam ng Tayabas police station, sinabi ni Uy na si Estabilo ay agad na kinuha ng pulis Lucena at ikinulong sa lock-up jail nito.
Ayon sa kanya, bago ito sumuko, ang nakababatang kapatid ni Estabilo, si Ricardo na habang pauwi ng kanilang bahay galing sa isang party ay tinaga ni Alejandro Cabriana, isang construction worker, ng maraming beses sa katawan, dakong ika-9:00 ng gabi.
Sinabi pa ni Uy na ng malaman ang insidente ng nakatatandang kapatid na si Estabilo ay binaril ang tumatakas na si Cabrina gamit ang isang home-maid shotgun.
Habang sina Estabilo at Cabrina ay parehong isinugod sa pagamutan ng mga residente ng lugar.
The post Driver-aide ng kongresista, kulong sa pamamaril appeared first on Remate.