UMABOT sa 20 bahay ang naabo makaraang magkasunog sa kanto ng Laguna at Kagandahan St. sa Gagalangin, Tondo, Maynila, Lunes ng hapon, Hunyo 17.
Bandang ala-1:30 kaninan nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalimang alarma bago idineklarang kontrolado bandang alas-3:00 ng hapon.
Kasalukuyan pang inaalam kung kaninong tahanan nagsimula ang sunog maging ang dahilan nito.
Inaalam din ang halaga ng napinsala sa sunog.
The post 20 bahay naabo sa sunog sa Tondo appeared first on Remate.