Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 magkakasunod na pamamaril, naitala sa Cotabato City

$
0
0

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Sugatan ang isang housewife matapos pagbabarilin dakong alas-11 ng umaga sa Sinsuat avenue corner Manara street, Cotabato City.

Kinilala ang biktima na si Joan Glemao Fulgar, 38-anyos, ng Happy Homes Subdivision, Rosary Heights 10 ng lungsod.

Batay sa imbestigasyon, nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan ang biktima sa isang palamigan malapit sa crime scene nang may nakaaway ito.

Nang pauwi na si Fulgar, sinundan siya ng suspek na sakay ng isang Toyota Innova at pinagbabaril, agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima at ngayon ay ligtas na.

Dakong ala-una naman ng hapon, patay ang isang binatilyo na trisikad driver matapos pagbabarilin sa Jose Lim Street corner Mabini Street, Cotabato City.

Kinilala ang biktima na si Emboy Lalang Salic, 15 anyos, trisikad diver, residente ng Saguingan, Kalanganan Mother, Cotabato City.

Nagtamo ng isang tama ng bala mula sa di pa matukoy na uri na baril sa ulo ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Pasado alas-syete ng gabi noong Sabado, patay din ang isang tomboy makaraang pagbabarilin sa Notre Dame Village, Rosary Heights 8, Cotabato City.

Kinilala ang biktima na si Shady Palencia Sampulna, 21-anyos, residente ng Macapagal street, Rosary Heights Mother ng lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakikipag-inuman sa isang convenience store si Sampulna kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ilang sandali pa ay dumating ang ilang di kilalang lalaki at pinagbabaril si Sampulna.

Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng kalibre 45.

Samantala, ipinahayag ni Cotabato City Police Director Senior Supt. Rolen Balquin na pawang isolated cases ang magkakasunod na pamamaril sa lungsod.

Aniya, batay sa imbestigasyon ng pulisya, personal grudge ang motibo sa naturang pamamaril.

Payo naman ni Balquin sa publiko, iwasang masangkot sa anumang kaguluhan at agad i-report sa pulisya kung may mga pagbabanta sa buhay.

The post 3 magkakasunod na pamamaril, naitala sa Cotabato City appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129