Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bangkay ng mag-asawang pinatay sinunog

$
0
0

PANIWALA ng pulisya na pinatay muna ang isang mag-asawa bago sinilaban ang kanilang bahay upang ikubli ang krimen sa Palawan nitong Linggo ng gabi (Hunyo 16).

Sinabi ni Police Inspector Earl Marzo, Palawan Police Provincial Command spokesperson, na ito ang kanilang tinututukang anggulo ngayon dahil imposibleng hindi makalabas ang mag-asawang sina Juanito, 69, at Amanda Avila, 68-anyos, residente ng Taytaty, Palawan kung buhay sila nang masunog ang kanilang bahay kahit pa sila ay may edad na.

Bukod pa roon, may mga ebidensya na rin na nakuha ang pulisya na magpapatunaya na sinadya ang pagsunog sa bahay ng mag-asawang Avila tulad ng amoy gasolina ang loob ng kanilang bahay. Kung mapapatunayan, isa itong indikasyon na ang kaso ay arson with double murder.

Gayunman, aminado naman ang pulisya na blangko pa sila kung ano ang motibo at sino ang nasa likod ng pagpatay sa mag-asawang Avila.

Nito lamang Linggo ng gabi nang masunog ang bahay ng mag-asawang Avila at ang mismong anak pa nila ang nag-report sa pulisya.

The post Bangkay ng mag-asawang pinatay sinunog appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Hugot Lines 2020 Patama : ML Edition


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>