TIKLO ang isang public school teacher matapos madakip sa isang buy-bust operation sa Alaminos City, Pangasinan nitong nakalipas na linggo.
Nasukol ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na nakilalang si Salvacion Rabadon, 58, residente ng no. 25 Pagasa Street, Palamis, Alaminos City, Pangasinan.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac, Jr. ang suspek ay aktibong high school teacher na nagtuturo sa Los Ciente High School sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.
Sinabi ng PDEA na matapos makatanggap ng impormasyon ang ahensya sa umano’y drug operation ng suspek agad nagsagawa ng operation ang mga awtoridad at isinagawa ang buy-bust operation sa suspek.
Kabilang sa naaresto ay ang dalawang kasamahan ng guro na sina Ronald Lopez, 38, at Maria Cristina Mendez na kapwa sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
The post Babaeng guro tiklo sa pagtutulak ng droga appeared first on Remate.