Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

14 Pinoy, nasagip sa lumubog na barko sa India

$
0
0

NASAGIP ang 14 na Pilipino tripulante sa lumubog na container ship malapit sa karagatang bahagi ng Mumbai, India.

Ayon kay Indian Coast Guard (ICG) Commancer S.P.S. Batra, nahati sa dalawang bahagi ang MV Mol Comfort kaya napilitang abandonahin ng 26 tripulante ang nasabing container ship.

Kasama sa mga nakaligtas ay ang 14 Filipino crew at 12 Russians.

Laman ng 316 meter long na cargo ship ang mahigit 4,000 containers na patungo sa Jeddah, Saudi Arabia mula sa bansang Singapore.

Hindi pa malinaw ang dahilan ng insidente, ngunit nakikipag-ugnayan na ang operator ng nasabing barko na Mitsui O.S.K. Lines para sa kapakanan ng kanilang tripulante.

The post 14 Pinoy, nasagip sa lumubog na barko sa India appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>