Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bangkay ng lalaki natagpuan sa QC

$
0
0

ISANG bangkay ng lalaki na nakasilid sa isang itim na garbage bag ang natagpuan sa Cubao, Quezon City kagabi, Hunyo 19, 2013 (Miyerkules).

Inilarawan ng mga awtoridad ang biktima na tinatayang nasa 20 hanggang 30 anyos, katamtaman ang pangangatawan, may bakas ng sakal sa leeg at may tama ng bala ng baril sa  kanyang katawan.

Ayon kay SPO3 Jun Mortel ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang bangkay ng biktima sa Aurora Blvd. cor. Driod Street, Brgy. Kaunlaran, QC dakong 11:15 ng kagabi.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima ng isang basurero na nakilalang si Jeffrey  Osilio habang naghahanap ng kalakal sa lugar.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na nakasilid sa isang itim na garbage bag.

Hinala ng mga pulis na sa ibang lugar pinatay ang biktima at doon lamang itinapon.

The post Bangkay ng lalaki natagpuan sa QC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>