Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pedicab driver sinaksak ng best friend, todas

$
0
0

PATAY ang isang 16-anyos na pedicab driver nang saksakin ng kanyang “bestfriend” kagabi sa Sta. Ana, Maynila.

Naisugod pa sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Regino Gardon, ng 502 Sampaguita St., Bulkan Sta. Ana, Maynila ngunit namatay rin habang ginagamot sanhi ng saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alias Kulot, 17, ng Water Lily St., Bulkan Sta. Ana, Manila na tumakas matapos ang pananaksak.

Ayon kay SPO2 Milbert Balingan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Posadas St., Sta. Ana, Manila.

Nabatid  matalik na magkaibigan ang dalawa. Pinayuhan ng biktima ang suspek na huwag turuan ang mga bata na gumamit ng solvent na ikinagalit ng huli.

Ang tampuhan ng dalawa ay nauwi sa mainitang pagtatalo kung saan unang nasaksak ng biktima ang suspek.

Nakatiyempo naman ang suspek na gumanti sa biktima at pinagsasaksak ito ng limang ulit sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod sa ospital ang biktima pero makalipas ang ilang oras ay binawian na rin ng buhay.

The post Pedicab driver sinaksak ng best friend, todas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Sapos para colorear


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>