Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Publiko pinag-iingat sa mga nanghihingi ng donasyon – Simbahang Katolika

$
0
0

PINAG-IINGAT ng Caritas Philippines, ang social action arm ng Simbahang Katoliko, ang publiko laban sa mga taong nanloloko gamit ang kanilang pangalan upang makakolekta lamang ng pera mula sa mga mamamayan.

Ang babala ng Caritas Philippines ay kasunod ng reklamong natanggap nila mula sa Masambong High School sa Quezon City kung saan sinabing isang babaeng nagpakilala umanong si Cecille Villanueva ang nangungolekta ng pera mula sa mga paaralan para sa isang proyektong pabahay para sa mga guro at iba pang charity works.

Sinasabing nakakuha ng donasyon ang suspek mula sa mga paaralan ng Roxas High School at San Bartolomeo High School, na parehong matatagpuan sa Quezon City.

Kaagad namang nilinaw ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, ang national director ng Caritas Philippines at chairman ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na wala silang empleyado na nagngangalang Cecille Villanueva, at hindi rin aniya ito konektado sa Caritas Philippines.

“Therefore, we are warning you to refuse any such solicitations she is doing in behalf of our good name, for your own safety and protection,” babala pa ni Pabillo.

Pinaalalahanan pa ni Pabillo ang publiko na ang sinumang lehitimong nangungolekta ng donasyon para sa kawang-gawa ay dapat na mayroong proper identification o kaukulang pagkakakilanlan.

Kung ang kanilang tanggapan naman aniya ang hihingi ng donasyon o solisitasyon para sa kanilang mga programa o anumang emergency response, ito ay dapat na pirmado ng National Director o di kaya’y ng Executive Secretary ng kanilang samahan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>