Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Titser niratrat ng tandem, todas

$
0
0

NIRAPIDO ng motorcycle in tandem assasin ang isang titser sa North Cotabato, Huwebes ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala mula sa kalibre 45 at namatay noon din ang biktimang si Sherman Mark Duerme, 26-anyos, titser ng Citizens Army Trainning (CAT) ng M’lang National Highway School-Annex sa Barangay Lepaga sa North Cotabato.

Wala namang ideya pa ang awtoridad sa kung sino ang pumatay sa biktima at kung ano ang motibo sa krimen pero may hinalang may kinalaman ito sa trabaho ni Duerme bilang commandant ng CAT.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng umaga sa national highway sa Barangay Bagontapay, M’lang town, North Cotabato.

Ayon kay Senior Insp. Rolando Dillera, M’lang police deputy chief, sakay sa kanyang Honda XR 200R ang biktima at binabagtas ang lugar nang pagbabarilin ng isa sa mga suspek na sakay sa walang plakang motorsiklo.

Ayon naman sa kapatid ng biktima na si Shane Duerme, writer ng Philippine Information Agency sa Region 12, walang kaaway ang kanyang kapatid sa eskuwelahang pinapasukan nito sa Barangay Bialong, M’lang.

Ang pagpatay kay Duerme ay ikatlo na sa North Cotabato simula nang ipatupad ang election gun ban nitong nakaraang Linggo, Enero 13.

Nitong nakaraang Martes lamang, napatay din ang isang empleyado ng recruitment agency na si Allan Dumato sa Pikit town at dalawang escort ng village chieftain sa Banisilan town sa isang ambush naman na ikinasa ng miyembro ng lawless armed group na pinamumunuan ng isang rebel commander.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>