Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Gumagalang rapist, nasakote ng MPD

$
0
0

ARESTADO kagabi ang isang rapist na gumagala sa Tondo sa isinagawang follow-up operations ng Manila Police District.

Kasalukuyan nang nakakulong sa MPD-Station 7 ang suspek na si McYoren Rapis, 23, binata, tricycle driver,  ng 3063 Maliklik St, Gagalangin, Tondo dahil sa reklamo ng dalawang babae na tinangkang halayin.

Sa report ni Supt. Roderick Mariano, Hepe ng MPD-Station 7, dakong 11:45 ng gabi nang naaresto ang suspek ng mga elemento ng MPD-Station 7 sa Maliklik St., Tondo, Manila.

Sa salaysay nina Erika (di tunay na pangalan), 24, naglalakad siyang mag-isa dakong dakong 11:00 ng gabi sa Juan Luna St., nang pagsapit sa kanto ng Maliklik St. nang sumulpot ang suspek, tinutukan ng patalim ang biktima at kinaladkad sa isang nakaparadang pampasaherong jeepney at tinangkang halayin.

Nanlaban ang biktima at nakatakas at humingi ng saklolo sa barangay officials ng Brgy. 177 Zone 16 subalit hindi naabutan ang suspek. Inimbitahan ng mga opisyal ang biktima sa kanilang barangay hall para makita at makilala ang suspek sa CCTV.

Bunsod nito, nagsagawa ng follow up operations ang mga tauhan ni Mariano matapos na makita at mapanood ang CCTV mula sa barangay na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Ang suspek din ang itinuturong gumahasa  isang Joy, 22, noong June 12 dakong 12:30 ng madaling araw.

Kasong attempted rape at rape ang isinampa laban sa suspek na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng MPD-Station 7.

The post Gumagalang rapist, nasakote ng MPD appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Knock knock jokes


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


FORTUITOUS EVENT


Vimeo 11.8.1 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Inspirational Quotes For you and Motivates you


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Inggit Quotes and Taray Quotes


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>