Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Biazon nanguna sa pagsira ng P300-M fake goods

$
0
0

PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang pagsira ng mahigit-kumulang na P300-million halaga ng mga nasamsam na pekeng brand ng mga bag at wallet kamakailan sa Binondo, Manila.

Kasunod nito, nagbitaw si Biazon ng salita na hindi magtatagumpay ang mga smuggler sa kanilang ilegal na gawain habang siya ang namumuno sa ahensya kung saan kanya ring kinilala at pinasalamatan ang mga tauhan nito na kanyang nagiging katuwang sa pagsasagawa ng mga programang pangreporma.

Ayon sa kanya: “We will not allow the Philippines to be a dumping ground of counterfeit goods, if only to enhance the country’s competitiveness as an investor friendly nation. The BoC, on this aspect, will ensure that the interests of foreign investors like distributors of authentic high-end brands are protected.”

Sinamahan ni Atty. Zsae Carrie de Guzman, hepe ng Intellectual Property Rights Division ng BoC, si Biazon sa pagsira ng mga bogus na high-end brand items tulad ng Louis Vuitton, Chanel, Gucci, Lacoste, Breitling, Ballenciaga at Hermes sa isang pasilidad na pinangangasiwaan ng ahensya.

Matatandaang agad na ipinag-utos ni Biazon ang pagkumpiska makaraang magsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng IPRD at tumambad sa kanila ang mga pekeng bag at pitaka sa loob ng isang warehouse ng ACLEM Building sa Binondo.

“Umaasa po tayo na magsilbing mensahe itong ginawang pagsira sa mga pekeng brand items sa mga negosyante sapagkat hinding-hindi papayag ang ating ahensya na magtagumpay ang ilegal na gawaing ito dahil mismong si Pangulong (Benigno) Aquino ay mahigpit ang utos laban sa mga ilegalista na ito,” ani Biazon.

Kung hindi nasamsam at nagtagumpay na maikalat ang mga pekeng brand items sa mga lokal na pamilihan, tiyak ang mabibiktima ay ang mga mamimili na buong akalang nakabili sila ng imported at orihinal na brand ng bag at pitaka, dagdag pa ng BoC chief.
Kung kaya’t kanyang isinusulong na ma-amyendahan ang Tariff and Customs Code of the Philippines upang ganap na mabigyang kalutasan ang matagal nang problema sa smuggling sa bansa.
Aniya, malaking tulong din sa pamahalaan lalo na sa ahensya ang kooperasyon ng pribadong sector at ang business community sa kampanya ng administrasyong Aquino laban

The post Biazon nanguna sa pagsira ng P300-M fake goods appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>