MAY 50 kabahayan ang nasira nang manalasa ang isang buhawi sa ilang lugar sa Minglanilla town sa Cebu City nitong Martes ng hapon (Hunyo 18).
Sa kabutihang palad, walang namatay o nasaktan pero natakot ang mga residente nang bumuga ang may 200 at liparin ang bubungan ng kanilang mga bahay, ayon sa ulat.
Sinabi rin ng ilan sa mga residente na nakita nilang umuulan ng yelo sa kanilang barangay, dagdag pa ng ulat.
Bumagsak ang ulan sa ilang bahagi ng bansa nang paigtingin ng Tropical Storm Emong ang southwest monsoon o Hanging Habagat.
Sinabi rin ng PAGASA na uulanin pa ng hanggang linggo ang ilang parte ng bansa.
The post Buhawi nanalasa sa Cebu town, 50 kabahayan, nasira appeared first on Remate.