PATAY ang isang totoy habang nakaligtas ang kaibigan na naglangoy sa fishpond sa Valenzuela City Miyerkules ng hapon, Hunyo 19.
Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Genesis Pilar, 8, Grade 2 ng Angeles Ville Coloong 2 ng lungsod habang ginagamot naman si Ipe Tabla, 11 ng nasabing lugar.
Sa ulat, dakong alas-2:40 ng hapon, naglangoy ang magkaibigan sa kalapit na fishpond hanggang sa makitang kapwa humihingi ng tulong.
Agad na sinaklolohan ng tiyuhin ni Tabla na si Rey Balasi at nang makuha ay kapwa dinala sa VGH subalit hindi nakaligtas si Pilar.
The post Totoy nalunod, patay, 1 nakaligtas appeared first on Remate.