ILAN taon na kapabayaan ang sanhi ng matinding pagbaha sa Metro Manila, ayon sa pahayag ni Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson.
Gayunman, hinikayat agad ni Singson ang publiko na huwag sisihin ang ahensya sa mga pagbaha ng ilan taon na naransan sa ilang bahagi ng Manila sa panahon ng tag-ulan.
“Yung nangyayaring isolated flooding eh ‘wag niyo naman sanang isisi sa amin, [tulad] ‘yung baha sa Espana (in Manila). Taun-taon naman, nagbabaha ‘yan. Alam naman nating kapag umulan, baha yang Espana,” pahayag ni Singson sa isang press briefing kaninang umaga (Hunyo 19).
Marami, aniyang, ibang lugar sa Metro Manila na may parehong problema sa baha pero ginagawan na ng paraan para malutas.
Sinabi pa ni Singson, na DPWH chief simula pa noong 2010, na ang pagbaha ay sanhi ng “years of neglect” at ang gobyerno sa unang pagkakataon at mayroon nang ikinakasang flood-control masterplan, na naprubahan na noong pang nakaraang taon.
Ang nasabing masterplan ay para sa tatlong major causes ng pagbaha sa Metro Manila: ang malaking volume ng tubig na nanggagaling sa Sierra Madre mountains, blocked drainages in core areas, at ang presensya ng low-lying communities sa paligid ng Manila Bay at Laguna Lake.
Ang implementasyon ng masterplan ay makukumpleto sa 2035, pero tiniyak ni Singson na alam na nila ang “high priority” projects na agad maayos ang sitwasyon ng pagbaha sa metro.
The post Ilan taong kapabayaan sanhi ng metro flooding – DPWH appeared first on Remate.