INAASAHAN na magiging mas malaki ang papel na gagampanan ng mga sundalong Pilipino makaraan ang tuluyang paglisan ng mga sundalong Austrians sa Golan Heights sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, PIO ng AFP, na ang naiwanan responsibilidad ng sundalong Austrian ang siya naman pupunan ng mga sundalong Pilipino sa Golan Heights.
“Mas malaki responsobilidan ng 6th Philippine Contingent sa Syria dahil dati ang timog bahagi ng Syria ang kanilang nasasakop bilang mga peacekeepers,” ayon kay Zagala.
Dahil sa paglisan ng mga sundalong Austrian, masasakop na rin ng responsobilidad ng mga sundalong Pilipino ang hilagang parte ng Syria na nababalot ngayon sa digmaang sibil.
Ayon pa kay Zagala, ginagawa naman lahat ng sundalong Pilipino ang lahat ng pag-iingat upang hindi na maulit ang mga nakaraang pagdukot na ginawa ng mga rebeldeng Syrians.
Dagdag pa ni Zagala na hanggang sa buwan nang Agosto na lamang ang itatagal ng mga sundalong Pilipino sa nasabing lugar at papalitan naman sila ng mga iba pang sundalong Pilipino.
The post Responsobilidad ng sundalong Pinoy sa Golan Heights, lumawak appeared first on Remate.