Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

30 sugatan sa 2 bus na nagsalpukan

$
0
0

AABOT sa mahigit sa 30 ang sugatan matapos magbangaaan ang dalawang pampasaherong bus bago maghating gabi kagabi sa Edsa-Makati.

Ayon sa salaysay ng mga pasahero ng Royal Transport Bus mabilis umano ang takbo ng bus nang biglang tumigil at nabangga ang likurang bahagi ng Partas Transportation.

Dahil sa lakas ng impact, sugatan sa mukha ang ilang pasahero habang ang iba ay natanggalan ng ngipin nang tumama ang kani-kanilang mukha sa upuan ng Royal Bus.

Makaraang ang insidente, kaagad namang tumakas ang driver at konduktor ng Royal transport.

Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng nasabing driver kabilang na ang kasong abandonement of victims.

Sumugod din sa lugar na pinangyarihan si Makati Mayor Junjun Binay at nangakong tutulungan ang mga sugatan sa aksidente.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin matukoy ang pangalan ng driver dahil maging ang may-ari ng bus company ay hindi malaman kung sino ang nagmamaneho.

The post 30 sugatan sa 2 bus na nagsalpukan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>