Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Counter-intelligence unit ng PNP-IG, lulusawin na

$
0
0

LULUSAWIN na ng Philippine National Police (PNP) ang unit na kinabibilangan ng pulis na namuno sa madugong barilan sa Atimonan, Quezon.

Sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima, na ang pagbuwag sa Counter-intelligence Unit ng Intelligence Group ng PNP, ang opisinang kinabibilangan ni Police Supt. Hansel Marantan ay walang naiambag na magandang trabaho sa kapulisan .

Papalitan na lamang, aniya, ito ng panibagong unit na sa tingin niya ay makapagtatrabaho nang maayos at naaayon sa kanilang mandato.

“Hindi po nagpa-function nang tama yung unit na yun. Ang gagawin po natin ay bubuwagin na po natin yung mga unit na nandyan at magtatayo po tayo ng panibagong unit.”

“Wala pong output na nakikita natin at yun nga po yung isang bagay na mahigpit na habilin sa atin ng Pangulo at ng ating [DILG] secretary na pagtuunan ng pansin itong counter-intelligence operations natin,” paliwanag pa ni Purisima.

Samantala, sinabi ni Purisima na maaari pa ring managot sa batas si Calabarzon Police Director Chief Supt. James Melad dahil pinirmahan niya ang “Coplan Armado,” na puno’t dulo ng pagtatayo ng checkpoint at barilan sa Quezon na ikinamatay ng 13 katao.

“Kung ang kanyang mga declaration sa sinasabing coplan at siya po ay nakapirma doon, maaari po siyang madamay dahil ang coplan ang nagbuo ng operation.”

Nilinaw naman agad ni Purisima na hindi sasagutin ng PNP ang gastusin sa pagpapa-ospital ni Marantan sa St. Luke’s Medical Center sa Global City.

Ayon kay Purisima, maaaring mag-claim si Marantan ng kaukulang halaga na naaayon lang sa guidelines ng PNP.

Sinabi pa ng PNP chief hindi kayang bayaran ng pulisya ang gastusin ni Marantan lalo’t mayroon namang PNP General Hospital.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>