Update: TINUTUGIS na ngayon (Hunyo 23) ng awtoridad ang may walong miyembro ng Abu Sayyaf bandits na dumukot sa dalawang Filipino-Algerian sisters sa Sulu nitong Sabado.
Sinabi ni Joint Task Force Sulu commander Col. Jose Cenabre na ang pagdukot sa mga biktimang si sisters Linda Abdel at Nadova Abdel Basit ay naganap sa Sitio Baunuh sa Barangay Liang sa Patikul town nitong Sabado ng 9:30 a.m.
Ang dalawang madre at sinasabing mga public relations officers ng Sulu Sultan Bantilan Muizudin sa Indanan town, ayon pa sa ulat.
Sa nakarating na ulat, sinabi ni Cenabre na ang mga biktima ay nakasakay sa isang pampasaherong jeep nang dukutin ng walong Abu Sayyaf bandits na pinamununuan ng isang Ninok Sappari.
Inaalam pa ng security forces kung saan dinala ng mga bandido ang kanilang tinangay na 2 madre.
The post Dumukot sa 2 Filipino Algerian nuns sa Sulu, tugis appeared first on Remate.