PINAYUHAN ng mga awtoridad ang mga residente sa Pandacan at Sta. Ana district na lumikas muna sa kanilang mga tirahan habang iniimbestigahan ang posibleng gas leak sa lugar.
Ito ang apela ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga residente na apektado sa masangsang na amoy ng kemikal na nagmumula sa tumagas na langis na ngayon ay kalat na rin sa Ilog Pasig.
Sinabi ng alkalde na lumikas muna ang mga residente sa lugar lalo na ang mga bata at magpunta muna sa Main Road, Otis o Pedro Gil upang hindi malanghap ang amoy ng langis.
“Yung bata, likas muna kayo sa Main Road o Otis o Pedro Gil para hindi kayo malapit. Inaalam natin saan nanggagaling ang oil o gas leak na ito”, ayon kay Lim.
Sa ngayon ay inaalam na ang warehouse na pag-aari ng isang Mr.Sy na siyang posibleng pinagmula ng gas leak.
Pinayuhan din ng alkalde ang mga residente na magpunta agad sa Santa Hospital kung sila ay nakakaramdam na ng hindi maganda sa kanilang katawan.
The post Update: Residente sa Pandacan at Sta. Ana, pinalilikas appeared first on Remate.