BIGO pa rin ang Philippine Air Force (PAF) na matukoy ang nawawalang eroplano na umano’y bumagsak sa bahagi ng Palawan.
Sa kasalukuyan, katuwang na ng Philippine Air Force (PAF) ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy at ilang ahensya ng gobyerno para sa paghanap sa nawawalang OV-10 Bronco light reconnaissance/bomber aircraft habang nagsasagawa ng night proficiency flight nitong Linggo.
Sinabi ni PAF spokesman Col. Miguel Okol, nawala ang OV-10 aircraft na may layong tatlo hanggang apat na nautical miles mula sa Puerto Princesa Airport, Palawan.
Nabatid na maganda naman ang panahon nang lumipad ang eroplano kaya hindi nila malaman ang dahilan ng biglang pagkawala nito.
Sa ngayon, prioridad umano ng PAF ang kalagayan ng piloto kaya puspusan ang kanilang gagawing paghahanap.
Inaasahang makatutulong sa pagtukoy ng kinaroroonan ng OV-10 aircraft ang tracking device na nakakabit dito.
The post Nawawalang PAF plane, bigo pang mahanap appeared first on Remate.