Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

4 timbog sa pag-iingat ng pekeng pera

$
0
0

NASAKOTE ng mga awtoridad ang apat katao matapos madiskubre sa kanilang pag-iingat ang mahigit sa 100 piraso ng P1,000 fake bill sa pamilihang bayan sa Ramon, Isabela kahapon.

Ayon kay P/Insp Vicente Blancad, hepe ng PNP- Ramon, kinilala ang mga  nadakip na sina Danilo Tejada, 59; Mary Anne Labon, Mary Joy Sandoval, 42, at Dolores Napon, 68, pawang residente ng Caloocan City.

Sinabi pa ni Blancad, isang Milagros Bruno na nagmamay-ari ng isang sari-sari store ang nakipag-ugnayan sa PNP matapos malaman na peke ang P1,000 ibinayad sa kanya ng mga biktima.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng follow up operation ang pulisya at nadakip ang mga suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang 107 pirasong pekeng tig-P1,000 bill at P55,000 cash na sinasabing sukli ng mga ipinambiling pekeng P1,000 bill.

Nasa pangangalaga na ngayon ng pulisya ang mga suspek at isinasagawa ang interogasyon para matukoy ang pinanggalingan ng hwad na salapi.

Kaugnay nito, pinag-iingat naman ng PNP ang publiko sa nagkalat ngayon na pekeng pera sa Isabela.

The post 4 timbog sa pag-iingat ng pekeng pera appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>