Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pedicab driver, binoga ng kinupkop na lalaki

$
0
0

HINDI akalain ng isang pedicab driver na sa kabila ng pagkupkop sa isang lalaki ay nagawa pa siyang pagbabarilin nito  kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Federico Malonzo, 40,  may live-in partner ng 325 Mabuhay St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Nakatakas naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Butchoy”na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya .

Sa report ni SPO1 Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa kanto ng St. James at Mabuhay Sts., Tondo, Manila.

Batay sa imbestigasyon, nakaupo habang umiinom ng kape ang biktima nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing binaril ng suspek sa ulo.

Matapos ang pamamaril ay kaswal na tumakas papalayo ang suspek sa direksyon ng St., James St., Tondo.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Movie, bago ang pagpatay ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at live-in partner ng suspek na si Rosalyn  nang bungangaan umano ng huli ang una.

Nakiusap umano ang biktima sa suspek na huwag niyang patulan si Rosalyn dahil babae ito subalit imbes na unawain ng huli ay nagalit pa dahilan upang magpalitan sila ng maaanghang na salita na nauwi sa suntukan.

Dahil dito ay tuluyang umalis ang suspek sa bahay ng biktima.

“Nakitira ang suspek sa bahay ng biktima at kahit hindi kakilala ay tinanggap siya ng biktima. Posibleng nagalit si Rosalyn kasi gumagastos sila sa pagpapakain sa kanya kaya binungangaan niya’ ayon kay Bautista.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Sol Funeral Parlor.

The post Pedicab driver, binoga ng kinupkop na lalaki appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129