NIRATRAT hanggang sa mamatay sa loob ng sasakyan ang isang barangay chairman at ang asawa nito sa Dolores, Quezon kaninang umaga.
Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang mag-asawang sina Ricardo at Vilma Romero, kapwa residente ng naturang lugar.
Hinahanting na ngayon ng pulisya ang dalawang suspek na pawang armado ng baril sakay ng isang walang plakang kulay asul na motorsiklo at nakasuot ng maskara.
Naganap ang insidente dakong 7:00 ng umaga sa isang bisinidad ng Barangay Bayanihan, Dolores.
Isa sa sinisilip na motibo ng pulisya bukod sa pulitika ay may kinalaman o katunggali sa negosyo dahil ang mag-asawa ay kilalang negosyante sa kanilang probinsya.
The post Tserman, misis todas sa mga maskaradong suspek appeared first on Remate.