Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pag-aalis ng drug test, pinalagan ng drug testing centers, transport group

$
0
0

UMAPELA ngayon sa gobyerno ang mga may-ari ng drug testing center nationwide kasama ang  transport group na kinabibilangan ng Pasang Masda ni Robert Martin, Alliance of Transport Organization of the Philippines ni Lando Marquez, ACTO President Efren de Luna na kumokontra sa pag-aalis ng drug test na isang requirement sa pagkuha ng drivers license.

Sinabi ng nagkakaisang grupo na malaking tulong umano ito sa panig ng mga driver para mabantayan ang kanilang hanay.

Nag-ugat ng pag-alis sa mga drug test makaraang kastiguhin ni Senador Tito Sotto si LTO Chief Virginia Torres, dahilan sa ginawang pagsuway na maipatupad agad ang naturang batas na nilagdaan na ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino.

Aniya, dapat ng alisin ni Torres ang implementasyon ng drug test dahil nagkakapera lamang umano ang mga nagpapatupad ng drug test sa LTO dahilan sa hindi naman nito nasasawata ang mga adik na driver sa bansa.

Samantala, pormal ng nagpalabas si Torres ng memorandum sa lahat ng regional directors sa buong bansa at pinapatigil na ang implementasyon ng drug test bilang requirement sa pagkuha ng drivers license sa LTO.

The post Pag-aalis ng drug test, pinalagan ng drug testing centers, transport group appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>