TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Binawian na ng buhay ang biktima ng panibagong pagsabog ng improvised explosive device o IED sa harapan ng Laira Marketing sa national highway, Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.
Sa report ng Kabacan PNP, binawian ng buhay ang biktimang si Ali Manisi, residente ng Patadon sa lungsod ng Kidapawan City.
Una rito, dinala si Manisi ng isang tricycle driver sa isang bahay pagamutan matapos na masabugan ang biktima.
Nagtamo ng malubhang sugat ang biktima kaya agad itong inilipat sa Regional Hospital sa Cotabato City.
Sa ngayon, blangko pa rin ang mga awtoridad sa motibo ng panibagong pagsabog sa naturang lugar.
Patuloy na pinag-aaralan ng mga awtoridad kung extortion ang motibo ng pagpapasabog.
The post Biktima ng pagsabog sa N. Catabato, patay na appeared first on Remate.