BINARETA sa ulo ang isang 40 anyos na guwardiya ng di nakilalang suspek kaninang umaga sa Binondo, Maynila.
Dead on arrival na sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Rene Refil ng Purok 4, Dulo Alabang, Muntinlupa City dahil sa tinamong sugat sa ulo matapos na baretahin ng suspek na agad tumakas.
Sa report ni SPO3 Glenzor A. Vallejo ng MPD homicide, naganap ang insidente pasado alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng DIY Warehouse Building sa kahabaan ng Dasmariñas kanto ng Burke St.s, Binondo, Maynila.
Ayon naman sa isa pang security guard na si Alwin Abong, nasa loob umano siya ng bakuran ng Blue Sky nang marinig niya ang sigaw mula sa labas ng gusaling kanyang binabantayan.
Pagbukas, aniya, ng gate, nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng puting t-shirt na umano ay mukhang lango sa alak na nakatayo sa harap ng biktima na nakalugmok na sa semento.
Sinigawan ito ni Abong kaya nang makita siya ng suspek ay nagtatakbo ito palayo.
Sa tulong ng iba pang guwardiya sa mga kalapit na gusali ay isinugod ni Abong sa naturang pagamutan si Refil ngunit pagdating sa ospital ay dineklara ni Dr. Aurelio Sejera na dead on arrival.
The post Sekyu binareta sa ulo, dedbol appeared first on Remate.