HANDA na ang pamunuan ng Manila Police sa gaganaping turnover ceremony at oath-taking ni dating Pangulong Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno bilang mga nanalong kandidato sa pagka-alkalde at bise-alkalde sa Lungsod ng Maynila bukas June 30.
Ganap na alas-10:00 ng umaga, isasalin ni outgoing Manila Mayor Alfredo Lim kay Mayor-elect Estrada ang pamumuno sa lungsod at kasunod nito ang panunumpa ni Estrada na gaganapin sa session hall ng Manila City Hall.
Kaugnay nito, sinabi ni MPD officer–in–charge Senior Supt. Robert Gatlec Po na kasado na ang seguridad sa paligid at lobby ng gusali ng city hall.
Magtatalaga naman ng 100 kapulisan para sa parking at traffic management sa paligid ng Manila City hall.
Nabatid rin kay Po na hindi nag-deploy ng pulis sa loob ng session hall dahil bahala na umano rito ang kampo ng dating pangulo.
The post Seguridad sa oath-taking ceremony ni Erap bukas, kasado na – MPD appeared first on Remate.