APAT na lalaking umano’y tulak ng iligal na droga ang nasakote ng nga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na buy-bust operations noong June 27, 2013.
Sa ulat, kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Dantley Ramos, alias Spike/Kulas, 32, walang trabaho ; Lem Lluveras, alias Rambo, 28, habal-habal driver; Franco Laguilles, alias Kokoy, 36 at Arnulfo Acedera alias Bong, 32, make-up artist at masahista.
Ang mga suspek ay nahuli sa isinagawang bust bust operations ng PDEA sa magkakahiwalay na lugar sa Calapan City, Oriental Mindoro, La Union, Barangay Bogtong, Legazpi City kung saan nahuli sa kanila ang mahigit sa P30,000 halaga ng shabu.
Kinasuhan ang apat na suspek ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
The post 4 kataong tulak, nalambat sa buy-bust appeared first on Remate.