PABOR ang transport group na Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na alisin ang Mandatory Drug testing ng mga Private drug Testing Centers sa mga PUV Drivers at karaniwang motorista bilang requirement sa pag-aplay at renewal ng drivers license sa LTO.
Ayon kay George San Mateo, Pangulo ng Piston, pabor sila sa naturang hakbang dahil naging napakalaking dagdag-gastusin lang ito sa mga PUV drivers at karaniwang motorista simula nang ipatupad ito noong 2002 bilang bahagi ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Sinabi ni San Mateo na noon pa man ay nagbabala na sila na magiging money-making at milking cow lamang ng gobyerno ang pagsasagawa ng drug testing ng mga private drug testing centers na nagpapataw ng malaking singil na karaniwan ay nasa P350 samantalang sa mga government hospitals ay nasa P50 lamang.
Bunga nito, lalung tumaas ang bayarin sa bagong application o renewal ng lisensya.
“Hindi naging epektibo at hindi naging garantiya na kapag makalusot sa mandatory private drug testing ay “drug-free” na ang drug-user dahil nga ang katangian ng testing ay “anticipated” ay mapapaghandaan ng aplikante ito sa ibat ibang paraan para makalusot,” ayon pa kay San Mateo.
Naunang kinontra ito ng ibang grupo na kinabibilangan ng Pasang Masda , Acto ., at iba pang transport groups.
The post Grupo ng PISTON pabor sa pag-alis ng mandatory drug test appeared first on Remate.