TODAS ang isang lalaki na nanalo sa sabong matapos saksakin ng kalugar na hindi nabigyan ng balato habang nag-iinuman sa Caloocan City Linggo ng hapon, Hunyo 30.
Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Leo Bellosillo, 43 ng Salmon St., ng lungsod.
Nadakip naman si Virgilio Dela Cruz, 23 at kalugar ng biktima.
Lumalabas na nanalo sa sabong ang biktima kung saan agad na humingi ng balato ang suspek at dahil sa buo ang pera ay hindi agad nabigyan.
Nawala ang biktima na naging dahilan upang umuwi ang suspek at dakong alas-4:15 ng hapon ay nakita ng huli na nagpapainom na ang una.
Inaya ng biktima ang suspek na makipag-inuman at makalipas ang ilang oras ay malagihay na ang una at inungkat ang hinihinging balato sa huli.
Sinabi ng biktima na iniinom na ng suspek ang dapat na balato na ikinagalit ng huli bago nagbunot ng patalim at tinarakan ang una bago tumakas.
Dinala naman ang biktima sa PDMMMC.
The post Hindi namigay ng balato, tinodas appeared first on Remate.