PATAY ang 50-anyos na heavy equipment operator ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa loob ng isang pumping station sa Ermita, Maynila kaninang umaga matapos magbigti .
Kinilala ang biktima na si Alfredo Jader, heavy equipment operator II sa ilalim g Flood Control ang Sewerage Management Office (FCSMO) ng MMDA Pumping Station sa MMDA pumping compound, Aroceros, Ermita, Manila.
Sa report ni SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 5:26 ng umaga nang nadiskubreng patay ang biktima sa loob ng nasabing pumping station.
Ayon kay Eddie Ambag, pump operator II, maagang dumating ang biktima upang relyebuhan ang huli at habang nagsasagawa ng turn over ay nagtanong ang biktima kung may lubid subalit hindi siya pinansin ni Ambag hanggang sa umuwi na lamang ito.
Ayon naman kay Jorge Malangit, 51, Utility worker, huli niyang nakitang buhay ang biktima dakong 12:00 ng hatinggabi nang pumasok sa kanyang trabaho at habang naglilinis nang napansin ang biktima na nakabitin ang leeg sa isang bakal na poste sa lugar.
Nakita sa logbook ang isang suicide note ng biktima kung saan nakasaad na “mahirap magtrabaho sa government, gutom”
Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito.
The post Operator nagbigti sa pumping station sa Ermita appeared first on Remate.