TUMAOB ang isang pampasaherong jeep sa paanan ng Nagtahan Bridge sa Ramon Magsaysay Blvd., Sta. Mesa, Maynila kaninang umaga na nagresulta ng pagkakasugat ng 7 katao.
Ayon kay Edgar Soriano, driver ng jeep, nawalan umano siya ng preno habang palusong ang kanyang sasakyan sa Nagtahan Bridge mag-aalas-8:00 ng umaga.
Nakadalawang biyahe pa lang umano siya at sa unang pasada niya ay wala naman umano siyang naramdamang problema sa preno ng jeep.
Ang mga sugatan ay isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center at De Ocampo Hospital matapos silang magtamo ng bugbog at sugat sa katawan.
Makalipas naman ang isang oras ay agad naitabi ng road emergency group ng Metro Manila Deevelopment Authority ang humambalang na jeep.
The post Jeep tumaob sa Nagtahan bridge, 7 sugatan appeared first on Remate.