Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Jailguard todas, isa pa sugatan sa buy-bust

$
0
0

TODAS ang isang jailguard habang sugatan ang isa pa matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at  PNP  sa isinagawang entrapment operation sa  Digos City noong nakalipas  na  Huwebes.

Kinilala ni PDEA Director General  Undersecretary  Arturo G. Cacdac, Jr., ang nasawing  suspek na si Luther  King  Logan, 43, Senior Jail Officer 4  at nakatalaga sa Bureau of Jail Management and Penology  (BJMP) sa Digos City Jail at residente ng Barangay Guihing, Hagonoy, Davao del Sur.

Nasugatan naman si Eddie Sumalinog Galvaz, 48 at residente  ng  Roxas Extension, Barangay Tres de Mayo, Digos City.

Ayon sa PDEA dakong 7:00 ng gabi nanlaban umano sina Logan  at Galvez habang inaaresto ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 11, Davao del Sur Provincial Drug  Enforcement Office  at Provincial Anti-Illegal  Drugs Special Operations Task Force sa isang  buy-bust operation sa kahabaan ng Galvez’s  neighborhood  sa Barangay Tres de Mayo, Digos City.

Nakipagpalitan umano ng putok ng baril ang suspek na si Logan na  nagtamo ng tama ng bala ng baril  na ikinasawi nito, habang  nagtamo naman  ng  sugat  si Galvez at ginagamot sa provincial hospital.

Dinakip din ang asawa ni Galvez na si Anna Mae  Lllana, 39, sa isinagawang operation.

Nakuha mula sa suspek ang sachet ng shabu, dalawang baril na ginamit ng mga suspek sa pakikipagbarilan at dalawang P500 peso bill na ginamit sa marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa  kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, na  mas kilala  sa  the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

The post Jailguard todas, isa pa sugatan sa buy-bust appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>