ISANG negosyante ang hinoldaup ng dalawang hindi pa nakikilalang kawatan kaninang madaling araw July 3 sa Brgy. Sipac Almacen, Navotas City.
Kinilala ang biktima na si Reynaldo Rivera y Tolentino, 49, may asawa, negosyante, ng 830 M. Naval St. Sipac Almacen ng lungsod.
Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek tangay ang mga nakulimbat sa biktima.
Sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Edwin Guzman ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas pulis, dakong alas 3:00 kaninang madaling araw ng maganap ang pangholdap sa biktima sa tapat mismo ng kanyang bahay sa nasabing lugar.
Nauna rito, papasok ang biktima sa gate ng kanilang bahay mula sa kanyang trabaho nang lingid sa kalaman nito ay sinabayan siya ng dalawang lalaki na armado ng mga patalim at agad itong tinutukan sa leeg sabay deklarang holdap sabay sigaw na “pera lamang ang kailangan namin”.
Kinulimbat ng mga suspek ang brown wallet ng biktima na may lamang P52,000 cash, gintong kwintas worth P20,000 dalawang unit na mamahaling celphone at black bag na naglaman ng mga asosorted notebook at mga susi.
Hindi nakahingi ng saklolo ang biktima sa kanyang pamilya matapos balaan ng mga suspek na papatayin kung sisigaw.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at ang pagkakakilanlan ng mga mga suspek.
The post Negosyante hinoldap, P52K, gamit tinangay appeared first on Remate.